Bantayan ang Boto
Music:
Himig at Titik: Danny Fabella
Lyrics:
Hindi ibig sabihin halala'y automated
Tayo ay titigil sa 'ting pagmamasid
Eh kung makina'y pumalpak
At mandaraya ang may hawak
Paano na?
Koro:
Bantayan ang ating boto
Manggagawa 'wag ng paloko
Bantayan ang ating boto
Pangalagaan ang ating karapatan
(Repeat last line 2x)
Huwag pagkatiwala ang ating mga boto
Halalan ma'y de-makina
Halalan ma'y de-mano
Mga mandaraya lagi't laging
Gagawa ng paraan
(Repeat koro)
Anuman ang paraan
Anuman ang proseso
Na ating dadaanan
Sa araw ng pagboto
Tayo pa rin magtitiyak
Upang boto nati'y ligtas sa dayaan
(Repeat koro then fade)
Click here to download the music











